- Hierarchy of Pride - January 4, 2025
- Source of Educational Fund: Mother and Taxpayers - January 2, 2025
- Sa gitna ako nagsimula - December 31, 2024
Isang gabi, habang nagkukwentuhan kami ng aking ina tungkol sa aking karanasan sa pag-aaral bilang isang kolehiyo, bigla kong binanggit naako ay nakakapag-aral sa dahil sa tulong ng gobyerno at taong bayan.
“Sa mga tax galing yung pondo para sa’min [mga iskolar ng bayan]? Pagkukumpirma ko.
“Oo, mula sa lahat ng mga nagbabayad ng buwis,” sagot ng aking ina.
“Edi lahat ng nakakasalubong ko, nagpapaaral sa akin,”
Bukod sa aking ina, kasama rin ang bawat taxpayers sa Pilipinas sa mga nagpapaaaral sa akin. Bilang isang estudyante sa University of the Philippines, ako ay nakakapag-aral nang libre. Sa ilalim ng RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act na naglalayong makapagbigay ng libreng matrikula at ibang bayarin sa lahat ng pampublikong unibersidad o state university sa bansa kagaya ng UP.
Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 3, 2017 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagsusulong nina dating Senator Bam Aquino, Sonny Angara, at Ralph Recto. Ang mga pangunahing pinagmumulan ng pondo ay nanggagaling sa General Appropriations Act (GAA) o ang taunang badyet na inilalaan ng kongreso para sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Kasama rin ang mga buwis na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at of Bureau of Customs, tulad ng income tax at value-added tax (VAT) na nagmumula sa lahat ng mga mamamayang nakakasalubong ko.
Mula noon hanggang ngayon, tanging ina ko lang ang nagpapaaral sa akin bilang siya ay isang single mom. Pagdating sa aking pangangailangan pang pinansyal, ang aking ina lang ang nagbibigay sa akin. Kaya nang ako ay nakapasa sa UP noong 2023, ito ay malaking ginhawa sa amin lalo na at ako ay makakapag-aral sa kolehiyo nang libre. Sa tulong ng pondo mula sa gobyerno at mga taxpayers, maraming estudyante na gaya ko ang nakakapag-aral nang libre.
Bagamat ang pagpapaaral ng isang ina sa kaniyang anak ay isang tungkulin na para sa aking ina ay isang responsibilidad, ito ay isang talento para sa akin. Sa tuwing nakikita ko ang bawat diskarte niya, ako ay namamangha dahil hindi nagiging hadlang ang pagiging single mom niya para ibigay sa akin ang mga pangangailan ko. Sa kabilang banda, hindi man 100% na nanggagaling sa mga taxpayers ang pondo para sa libreng matrikula, malaking tulong pa rin ito para sa akin, dahil kung wala sila, hindi mabubuo ang pondong inilalaan para sa aming mga iskolar ng bayan. Ang simpleng pagbili ng bawat mamamayan sa mga fast food chain, restaurant, at grocery store ay may kalakip na buwis na napupunta sa pondo para sa libreng matrikula. Kaya para sa akin, malaki ang aking utang na loob sa lahat ng mga taxpayers at masasabi kong sila ay may malaking papel sa aking pag-aaral sa kolehiyo.
Para sa aking ina at sa lahat ng mga taxpayers, ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo. Kasama kayo sa mga dahilan kung bakit ako nakakapag-aral nang libre sa kolehiyo. At sa gobyernong nag panukala at nagpasa ng RA 10931, maraming maraming salamat po